OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Image
Forum rules
Make friends here! Non-pageant related discussions about Lifestyle, Romance, Worldwide News, Spirituality, Celebrities, Music, Sports, etc.



  • 0

OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Postby oneandonly » Thu May 16, 2013 6:16 am

    

MGA PAMBANSANG BAGAY NG PILIPINAS

Ang mga pambansang bagay ay sumisimbolo sa pagiging makabayan at mga katangian ng bawat Pilipino at nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng ating bansa.
Marahil ang nakararami sa inyo ay mataas na ang antas ng kaalaman tungkol sa paksang ito.
Ngunit ang lathalaing ito ay ginawa upang magbalik-tanaw at sariwain ang mga simbolo ng ating pagka-Pilipino.

PAMBANSANG PUNO (Narra)
Image
>Sumisimbolo sa pagiging matatag at matibay ng mga Pilipino sa anumang problemang kanilang kakaharapin. Gaya ng Narra na isa sa kilalang puno na may pinakamatibay na kahoy. Karaniwan itong ginagamit upang gumawa ng muwebles.

PAMBANSANG DAHON (Anahaw/Fan Palm)
Image
>Sinasabing ang dahong ito ang ginagamit ng ating mga ninuno sa panahon ng tag-init.

PAMBANSANG PRUTAS (Mangga/Mango)
Image
>Ang mangga ay sumisimbolo sa pagiging magiliw ng mga Pilipino sa kanilang mga panauhin. Gaya ng mangga na may matamis na lasa, tayo ay may maayos na pakikitungo sa ating mga bisita.

PAMBANSANG IBON (Agila ng Pilipinas/Philippine Eagle)
Image
>Sinasabing ang Philippine Eagle ang hari ng kagubatan sa Pilipinas. Sumisimbolo sa pagiging magaling ng mga Pilipino sa pamumuno.

PAMBANSANG HAYOP (Kalabaw/Carabao)
Image
>Sumisimbolo sa pagiging matatag at masipag ng bawat Pilipino. Na gaya ng kalabaw na ginagamit sa pagsasaka.

PAMBANSANG ISDA (Bangus/Milkfish)
Image
>Isa sa may pinakamasarap na isda sa bansa. Sumisimbolo sa pagiging maparaan at hindi patatalo na katangian ng mga Pilipino dahil sa matinik nitong katawan.

PAMBANSANG BULAKLAK (Sampaguita/Arabian Jasmine)
Image
>Sumisimbolo sa bawat Pilipina na marikit at maganda. Ang kulay nitong puti na sumisimbolo sa kadalisayan at ang bango nitong humahalimuyak.

PAMBANSANG PAGKAIN (Litson/Lechon)
Image
>Ito'y pambansang pagkain kung ituring dahil sa Pilipinas lamang ito matatagpuan. Nangangailangan ito ng tiyaga at malaking bahagi ng oras upang lutuin. Ang baboy ang karaniwang ginagamit dito na sinangkapan sa loob nito ng mga pampalasa. Karaniwang ito'y inihahanda sa mga malaking salu-salo lalo na ang piyesta.

PAMBANSANG TIRAHAN (Bahay Kubo/Nipa Hut)
Image
>Ito ang sinaunang tirahan ng ating mga ninuno. Pinagbuhusan ng lakas ng katawan upang makabuo ng ganitong uri ng tahanan.

PAMBANSANG SAYAW (Tinikling/Bamboo Dance)
Image
>Sumisimbolo sa pagiging mailap at maparaang katangian ng mga Pilipino noong unang panahon dahil sa pananakop ng mga Kastila. Karaniwang sinasayaw ng babae at lalaki.

PAMBANSANG KASUOTANG PANLALAKI (Barong Tagalog/Tagalog Dress)
Image
>Sumisimbolo sa pagiging malikhain ng mga Pilipino. Noong unang panahon, karaniwang gawa ito sa hinabing dahon ng pinya o abaka.

PAMBANSANG KASUOTANG PAMBABAE (Baro't Saya/Blouse and Skirt)
Image
>Sumisimbolo sa pagiging malikhain ng mga Pilipino. Nagkakaroon na nga ibat'-ibang mukha at uri ang kasuotang ito habang naglalaon na sinusuot na lamang tuwing may okasyon. Noong unang panahon, karaniwang gawa ito sa hinabing dahon ng pinya o abaka.

PAMBANSANG LARO (Sipa/Sipa Game)
Image
>Ito ang laro at paraan ng palakasan ng ating mga ninuno. Kinakailangan ang lakas at determinasyon upang hindi bumagsak ang sipa sa lupa.

PAMBANSANG BAYANI (Jose P. Rizal)
Image
>Kinikilala siya sa husay sa pagsusulat na naging susi upang mag-aklas at pukawin ang kaisipan ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Hindi siya gumamit ng dahas o armas upang lumaban sa mga mananakop.

PAMBANSANG SASAKYAN (Kalesa/Horse Drawn Carriage)
Image
>Ito ang sinaunang sasakyan ng mga Pilipino noong unang panahon. Isang kabayo ang humihila upang dalahin ang tao at mga bagahe nito sa kanilang destinasyon.

PAMBANSANG SAPIN SA PAA (Bakya/Wooden Sandal)
Image
>Ito ang sinaunang sapin sa paa ng mga kababaihan. Sumisimbolo rin ito sa pagiging malikhain ng mga Pilipino. Karaniwang ito'y ginagawa sa pamamagitan ng pag-ukit at pinaglaanan ng oras upang makabuo ng isang pares nito.

PAMBANSANG AWIT (Lupang Hinirang/Chosen Land)
Image

>Ito ang awit na sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino. Isinasalaysay dito ang mga saloobin at adhikaing magkaroon ng kasarinlan ang bansang Pilipinas.

Nang dahil sa modernong panahon at makabagong teknolohiya, marahil ang nakararami sa atin ay unti-unti o di kaya'y nakalimutan na ang mga bagay sa itaas.

Maaari kayong magdagdag pa ng mga bagay na sa tingin niyo'y aking nakaligtaan.

Nawa'y naibigan niyo ang paksang ito.

Maraming salamat po.

Ang mga larawan sa itaas ay hindi ko pag-aari.
Kredito sa mga may-ari nito.


User avatar
oneandonly
PAGEANT EXPERTS are MASTERS & PROFESSIONAL ANALYSTS of pageantry.
PAGEANT EXPERTS are MASTERS & PROFESSIONAL ANALYSTS of pageantry.
 
Posts: 6452
Joined: Wed Mar 14, 2012 8:53 am
Country: Philippines (ph)
Reputation: 13297
Date of Birth: 09 Jun 1987
Gender: Male
Sexual Orientation: -----------
Profession: part of sales team
Hobbies/Interests: reading watching tv
Message: June 09 is not my birthday! hehe

  • 0

Re: OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Postby GlamRock » Thu May 16, 2013 8:10 am

.






huli kna tih.... dagdag ko lang. 2 na ang pambansang bulaklak ng pelepens. una ang sampaguita. Ngayon, sa bagong kapapasang batas earlier this year, nadagdag na po ang WALING-WALING. Sapagkat, datapwat subalit, ditis lamang po machochorla ang Waling-Waling sa pelepens, isa sa pinakmalaking rare orchid species na ginagamit ng mga ibang bansa para icrossbreed ang orchid nilang malilit. Dagdag ko lng. Bagong Batas yan tih. -Kuya KIM. CHOOOOOZ!










.
GlamRock
ELITES are highly regarded as FINEST posters of Missosology.
ELITES are highly regarded as FINEST posters of Missosology.
 
Posts: 1572
Joined: Wed Jan 26, 2011 8:35 am
Country: Philippines (ph)
Reputation: 225
Date of Birth: 19 Dec 1988
Gender: Female
Profession: gamer.
Western Zodiac Sign: Sagittarius
Chinese Zodiac: Dragon
Hobbies/Interests: whatever goes.......
Message: “Free speech carries with it some freedom to listen. ” -yelraMbOB

  • 0

Re: OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Postby oneandonly » Thu May 16, 2013 8:50 am

GlamRock wrote:.






huli kna tih.... dagdag ko lang. 2 na ang pambansang bulaklak ng pelepens. una ang sampaguita. Ngayon, sa bagong kapapasang batas earlier this year, nadagdag na po ang WALING-WALING. Sapagkat, datapwat subalit, ditis lamang po machochorla ang Waling-Waling sa pelepens, isa sa pinakmalaking rare orchid species na ginagamit ng mga ibang bansa para icrossbreed ang orchid nilang malilit. Dagdag ko lng. Bagong Batas yan tih. -Kuya KIM. CHOOOOOZ!










.


talaga?hehe thanks :)
User avatar
oneandonly
PAGEANT EXPERTS are MASTERS & PROFESSIONAL ANALYSTS of pageantry.
PAGEANT EXPERTS are MASTERS & PROFESSIONAL ANALYSTS of pageantry.
 
Posts: 6452
Joined: Wed Mar 14, 2012 8:53 am
Country: Philippines (ph)
Reputation: 13297
Date of Birth: 09 Jun 1987
Gender: Male
Sexual Orientation: -----------
Profession: part of sales team
Hobbies/Interests: reading watching tv
Message: June 09 is not my birthday! hehe

  • 0

Re: OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Postby qwerty1234 » Thu May 16, 2013 10:27 am

NAGBAGO NA PO YUNG IBA.

PAMBANSANG SAYAW AY CARIÑOSA NA PO.
PAMPANSANG BULAKLAK AY WALING-WALING.
PAMBANSANG LAOR AY ARNIS.


AT WALA NAMAN TALAGANG PAMBANSANG PAGKAIN PERO KUNG MERON MAN, NAIS KO NA ITO AY MAGING ADOBO O SINIGANG.
JOHN SPAINHOUR FOR MISTER WORLD 2014
Image
User avatar
qwerty1234
MODERATORS are responsible to maintain order.
MODERATORS are responsible to maintain order.
 
Posts: 10880
Joined: Tue Feb 09, 2010 3:43 pm
Location: Manila
Country: Philippines (ph)
Reputation: 2074
Real Life Name/Nick: prince
Date of Birth: 13 Sep 1990
Gender: Male
Profession: student
Western Zodiac Sign: Virgo
Chinese Zodiac: Horse
Hobbies/Interests: studying
Message: good job!

  • 0

Re: OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Postby oneandonly » Thu May 16, 2013 10:29 am

qwerty1234 wrote:NAGBAGO NA PO YUNG IBA.

PAMBANSANG SAYAW AY CARIÑOSA NA PO.
PAMPANSANG BULAKLAK AY WALING-WALING.
PAMBANSANG LAOR AY ARNIS.


AT WALA NAMAN TALAGANG PAMBANSANG PAGKAIN PERO KUNG MERON MAN, NAIS KO NA ITO AY MAGING ADOBO O SINIGANG.


Ah ganun ba? thanks sa info. and for visiting my thread :)
User avatar
oneandonly
PAGEANT EXPERTS are MASTERS & PROFESSIONAL ANALYSTS of pageantry.
PAGEANT EXPERTS are MASTERS & PROFESSIONAL ANALYSTS of pageantry.
 
Posts: 6452
Joined: Wed Mar 14, 2012 8:53 am
Country: Philippines (ph)
Reputation: 13297
Date of Birth: 09 Jun 1987
Gender: Male
Sexual Orientation: -----------
Profession: part of sales team
Hobbies/Interests: reading watching tv
Message: June 09 is not my birthday! hehe

  • 0

Re: OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Postby aremica » Thu May 16, 2013 4:01 pm

qwerty1234 wrote:NAGBAGO NA PO YUNG IBA.

PAMBANSANG SAYAW AY CARIÑOSA NA PO.
PAMPANSANG BULAKLAK AY WALING-WALING.
PAMBANSANG LAOR AY ARNIS.


AT WALA NAMAN TALAGANG PAMBANSANG PAGKAIN PERO KUNG MERON MAN, NAIS KO NA ITO AY MAGING ADOBO O SINIGANG.


Maryosep. Ilang Pilipino ang naglalaro ng arnis? Pito?

Sa pagkain, pinakakilala sa ibang bansa ang pansit.
Last edited by aremica on Thu May 16, 2013 4:14 pm, edited 2 times in total.
How can you eyes see beauty, when your brain is looking for ugliness? ~ me, Aremica

It is better to be beautiful than to be good. But it is better to be good than to be ugly. ~ Oscar Wilde
User avatar
aremica
PIONEERS are the most experienced members of Missosology.
PIONEERS are the most experienced members of Missosology.
 
Posts: 764
Joined: Wed Feb 27, 2013 2:15 am
Country: United States (us)
Reputation: 233
Date of Birth: 29 May 1968
Gender: Male
Profession: Medical
Western Zodiac Sign: Gemini
Chinese Zodiac: Monkey
Hobbies/Interests: Browsing
Message: Write a message here

  • 0

Re: OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Postby aremica » Thu May 16, 2013 4:12 pm

oneandonly wrote:
PAMBANSANG IBON (Agila ng Pilipinas/Philippine Eagle)
Image

PAMBANSANG ISDA (Bangus/Milkfish)
Image
>Isa sa may pinakamasarap na isda sa bansa. Sumisimbolo sa pagiging maparaan at hindi patatalo na katangian ng mga Pilipino dahil sa matinik nitong katawan.



PAMBANSANG BULAKLAK (Sampaguita/Arabian Jasmine)
Image
>Sumisimbolo sa bawat Pilipina na marikit at maganda. Ang kulay nitong puti na sumisimbolo sa kadalisayan at ang bango nitong humahalimuyak.


PAMBANSANG SAYAW
Image


1. Mas tunog makabayan ang dating maya. Eagle? para lang tayong gumaya sa America.

2. Bangus? Matinik talaga!

3. Waling-waling na ngayon? Again, I prefer sampaguita.

4. Carinosa? WTF?
How can you eyes see beauty, when your brain is looking for ugliness? ~ me, Aremica

It is better to be beautiful than to be good. But it is better to be good than to be ugly. ~ Oscar Wilde
User avatar
aremica
PIONEERS are the most experienced members of Missosology.
PIONEERS are the most experienced members of Missosology.
 
Posts: 764
Joined: Wed Feb 27, 2013 2:15 am
Country: United States (us)
Reputation: 233
Date of Birth: 29 May 1968
Gender: Male
Profession: Medical
Western Zodiac Sign: Gemini
Chinese Zodiac: Monkey
Hobbies/Interests: Browsing
Message: Write a message here

  • 0

Re: OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Postby Google bot » Sat May 18, 2013 1:50 pm

Tama si qwerty....ala namang Pambansang Pagkain.

Tsaka ang sosyal naman ng lechon.

Pero kung ako ang tatanungin...dapat TUYO ang pambansang pagkain....o kaya SARDINAS..

Yum...SAPAK sa sarap.

Ginutom tuloy ako.

O kaya ...manggang hilaw at bagoong.


Sengapala....pabor ako sa WALING WALING as a national flower...kase sa Pilipinas nag originate yan...at very unique....orchid na may fragrance.
Ang sampagita...hindi sa Pilipinas nag originate yan.


About adobo...hindi original yan sa Philippines...it came from Spain.
Yung sardinas...yung isda hinuli sa Pilipinas...ginawang de lata sa Japan... :%)) :%)) :%)) =;)) =;)) =;))
Teka muning...yung tuyo hindi rin ata originally from the Philippines...from China ata yan.
Yung lechon ..ang alam ko sa China din...ang Hawaii may lechon din.



Google bot
 

  • 0

Re: OT: Gaano ka ka-Pilipino?

Postby aremica » Mon May 27, 2013 7:39 pm

http://newsinfo.inquirer.net/352497/senate-passes-bill-declaring-waling-waling-national-flower


It seems like both are national flowers, not one replacing the other.

.
How can you eyes see beauty, when your brain is looking for ugliness? ~ me, Aremica

It is better to be beautiful than to be good. But it is better to be good than to be ugly. ~ Oscar Wilde
User avatar
aremica
PIONEERS are the most experienced members of Missosology.
PIONEERS are the most experienced members of Missosology.
 
Posts: 764
Joined: Wed Feb 27, 2013 2:15 am
Country: United States (us)
Reputation: 233
Date of Birth: 29 May 1968
Gender: Male
Profession: Medical
Western Zodiac Sign: Gemini
Chinese Zodiac: Monkey
Hobbies/Interests: Browsing
Message: Write a message here


Return to CHITCHAT LOUNGE

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 10 guests

Miss Universe 2014 People's Choice Poll Miss World 2014 People's Choice Poll


© Missosology's International Pageant Coverages ©
Miss Intercontinental Mister International Miss Asia Pacific World
Miss Intercontinental Mister International Miss Asia Pacific World
Miss Grand International Face of Beauty International Supermodel International
Miss Grand International Face of Beauty International Supermodel International
Manhunt International Miss Supranational Miss Earth
Manhunt International Miss Supranational Miss Earth
Miss International Miss World Miss Universe
Miss International Miss World Miss Universe


contact us to advertise with missosology